DUDA | ALU-TUCP, duda sa pahayag ng mga economic managers na maibaba ang inflation rate

Manila, Philippines – Duda ang Association of Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na kayang maibaba ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang antas ng implasyon sa ikatlong hati o quarter ng 2008.

Ayon kay ALU-TUCP spokesman Alan Tanjusay, pulos dakdak aniya ang mga economic managers at wala namang kongkretong inisyatiba.

Aniya, baka pa nga sumirit pa ang inflation rate sa third quarter dahil wala namang ipinatutupad na safety net programs.


Hanggang ngayon aniya ay pulos drawing ang gobyerno kung paabo solusyunan ang kawalan ng mabiling murang bigas sa pamilihan.

Malamang aniya na lalo pang mahulog sa kahirapan ang mga manggagawa dahil sa hindi matapos na pagtaas ng presyo ng pagkain at bayarin sa serbisyo.

Facebook Comments