DUDA | Grupo ng mga magsasaka, naniniwala na may cartel ng bigas

Duda ang mga grupo ng mga magsasaka na mareresolba ang problema sa bigas sa binagong NFA Council.

Ayon kay Eduardo Mora, pangulo ng Pambansang Kaisahan ng Magbubukid sa Pilipinas (PKMP), wala sa suplay ang problema ng rice problem, hindi aniya ito matutugunan ng rice importation.

Nag-aabang aniya ang mga magsasaka sa hakbang ni Agriculture Secretary Manny Piñol kung kaya niyang basagin ang gulugod ng cartel ng bigas.


Naniniwala ang grupo na may umiiral na cartel dahil sa kabila ng binibili sa murang halaga ang kanilang aning palay, masyado mahal na kapag umabot na sa mga pamilihan.

Aniya, nakailang ulit ng dumating ang tone-toneladang inangkat na bigas, pero kapansin-pansin pa rin na napakahaba pa rin ng pila sa mga NFA outlets.

Para sa grupo, kinakailangang galawin ni Piñol ang presyuhan ng bigas na tunay na dahilan kung bakit hindi makabili ng murang bigas ang mga ordinaryong mamamayan.

Facebook Comments