DUDA | Martial law, bigo umano na makapag-deliver ng social service, hustisya sa Mindanao

Walang nai-deliver na batayang serbisyong panlipunan at hindi nakapaghatid ng hustisya ang magkakasunod na deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Ito ang ipinahayag ng grupong Oposisyon Koalisyon sa isang news forum sa Quezon City.

Ayon sa grupo, hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring mga indigenous peoples at mga magsasaka ang hindi pa nakakabalik sa kanilang normal na pamumuhay sa kabila ng mga ipinatupad na programa ng pagbangon mula sa epekto ng Marawi siege.


Idinagdag pa ng grupo na sa ilalim ng martial law, natanggalan ng kapangyarihan ang mga Local Government Units (LGUs) at mga Civil Society Groups na maisulong ang kanilang mga lokal na programang pangkapayapaan.

Ang muli anilang paghirit ng extensions ng martial law ay patunay na bigo ang administasyong Duterte na matapos ang kanilang hinahangad na makamit gamit ang batas militar.

Nagdududa tuloy ang Koalisyon na gusto lamang ng gobyerno na kontrolin ang galaw ng mga sibilyan bilang paghahanda sa nalalapit na midterm elections.

Facebook Comments