DUDA | Minority bloc, dudang mapagtitibay ang draft federal constitution

Manila, Philippines – Duda ang House Minority bloc na mapagtitibay ang bagong federal constitution sa ilalim ng 17th Congress.

Ayon kay Minority Leader Danilo Suarez, masyado ng limitado ang oras ng kasalukuyang Kongreso.

Kaya malamang hindi na aniya matapos ang charter change.


Sabi ni Suarez, mas malaki ang tyansa ng bagong federal constitution sa 18th Congress.

Pero kakatigan aniya ng Minority bloc kung hihilingin ng liderato ng Kamara ang suporta ng mga mambabatas para sa federal constitution.

Facebook Comments