DUDA | Pag-iwas ni PRRD sa pulong ng mga ASEAN leaders, posibleng may kinalaman sa West PH Sea

Manila, Philippines – Duda si ACT Teachers Representative France Castro na may iniiwasan si Pangulong Duterte kaya nito inisnab at tinulugan ang anim sa 11 pulong ng mga ASEAN leaders sa Singapore.

Tingin ni Castro, posibleng may kinalaman ang isyu ng West Philippine Sea sa pag-iwas ni Pangulong Duterte sa ilang mga nakatakdang pulong ng mga ASEAN leaders.

Aniya ang mga bansa sa ASEAN ay may isyu din sa pinagaagawang teritoryo.


Maaari aniyang umiiwas si Pangulong Duterte na masingil ng ibang mga bansa na lumalaban din sa karapatan nila sa West Philippine Sea na inaagaw ng China.

Sinita din ng kongresista ang katwiran na nag-power nap lamang ang Presidente kaya hindi ito nakadalo sa mga pulong ng mga liders.

Giit ni Castro, hindi na lamang sana dumalo doon ang Pangulo at nanatili na lamang sa bansa dahil baka mas may makabuluhan pa itong nagawa.

Hirit pa ng mambabatas, dapat ay iulat ng Pangulo sa mga Pilipino kung ano ang nakamit ng bansa sa ASEAN Meeting.

Facebook Comments