Manila, Philippines – Duda ang ilang mga kongresista sa pagbuo ng Malakanyang ng 3-man committee na makikipag-usap sa simbahang Katoliko.
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi ito ang solusyon sa problema ng administrasyon sa Simbahan.
Giit ni Zarate, hindi naman ang simbahan ang gumawa ng problema kundi ang Pangulo mismo.
Tiyak din na walang gagawin ang mga bumubuo sa komite na sina Presidential Spokesman Harry Roque, Pastor Boy Saycon at DFA Usec Ernesto Abella kundi ang idepensa at ilusot lamang ang panlalait ng pangulo sa Panginoon at sa Simbahang Katolika.
Ayon naman kay ACT-Teachers Rep. Antonio Tinio, ang panlalait ng Pangulo sa Diyos at sa simbahan ay tahasang paglabag sa ‘Freedom of Religion’.
Dapat umanong pangalagaan nito ang lipunan kung saan malaya ang bawat Pilipino sa kanilang pananampalataya.