DUDA | Senator Recto, kumbinsidong patay na sa Senado ang Cha-cha

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, tila patay na sa Senado ang panukalang charter change.

Duda kasi si Recto, na maipapasa ang panukalang pagbabago sa konstitusyon sa loob ng sampung linggo bago muling magbreak ang kanilang session.

Ipinunto pa ni Recto ang panahon na kailangang gugulin din ng senado bilang impeachment court sa oras na umakyat na sa kanilang ang articles of impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Sabi naman ni Committee on Constitutional Amendments Chairman Senator Kiko Pangilinan, tatalakayin nilang mabuti at idadaan sa tamang proseso ang panukalang Cha-cha.

Tiniyak din ni Pangilinan sabay na hindi nila ito mamadaliin katulad ng ginagawa sa kamara.

Sa katunayan ay magkakaroon pa aniya ng serye ng pagdinig ang kanyang komite ukol sa Cha-cha na plano nilang gawin sa ibat ibang mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments