DUDULOG | Calida, dudulog sa CA kaugnay sa hiling ng DOJ na maaresto si Trillanes

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipapa-review ni Solicitor General Jose Calida sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 na nagbasura sa mosyon ng DOJ na arestuhin ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Guevarra, sa loob ng reglementary period na 60 araw, maghahain ang SolGen ng petition for certiorari sa CA kaugnay ng resolusyon ng naturang korte na ibasura ang motion for the issuance for a warrant arrest at Hold Departure Order (HDO) laban sa senador.

Posible anyang ihain ni Calida ang petisyon anumang oras bago matapos ang taon o sa January 2019.


Facebook Comments