Manila, Philippines – Sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdurog sa halos 70 mamahaling sasakyan na nasabat sa port area sa Maynila.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – gagawin ito sa Martes (Feb. 6) kasabay ng ika-116 na anibersaryo ng Bureau of Customs.
Una nang sinabi ng pangulo, mga smugglers rin ang bumibili sa mga nakumpiskang kontrabando kapag ito ay isinubasta na ng BOC.
Sa pagkakataong ito, hindi na papayag ang pangulo na maisahan ng mga smugglers ang pamahalaan.
Facebook Comments