Iginiit ni Pangulo Rodrigo Duterte na kailangang igalang ang due process sa kontrobersiya ng ninja cops at drug recycling sa PNP.
Sa Press Conference sa Davao City, sinabi ng pangulo, dapat may maipakita sa kanya na matibay na ebidensya na ginawa ng mga pulis lalo na si dating Pampanga Provincial Director at ngayon PNP Chief Oscar Albayalde ang drug trafficking.
Giit pa ng pangulo, matagal na sana niyang sinipa si Albayalde sa pwesto kung wala siyang tiwala rito.
Sa ngayon, wala pa sa isip ng pangulo kung sino ang susunod na PNP chief.
Facebook Comments