DUE PROCESS SA MGA LUMABAG SA ELECTION LAWS, IGINIIT NG COMELEC PANGASINAN

Nanindigan ang Commission on Elections Pangasinan na hindi dapat maging padalos-dalos sa pag iisyu ng notice sa mga kandidato na inirereklamo dahil sa paglabag ng mga ito sa election laws.

Sa isang panayam sinabi ni Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza na hindi basehan ang mga reklamo na ipinopost online laban sa isang kandidato.

Aniya nangangailangan ng formal written complaint laban sa kandidato at masusing surveillance at pangangalap ng ebidensya ng Pulisya bago tuluyang mag-isyu ng show cause order sa inirereklamong kandidato.

Dagdag ng opisyal, maingat ang tanggapan sa pagbibigay ng show cause order sa mga kandidato dahil kinakailangang alamin ang kanilang paliwanag bago ito maging formal complaint.

Bago maiangat ang isang reklamo, kinakailangan ng kalakip na dokumentasyon tulad ng affidavit ng mga witness at object evidences tulad ng resibo sa kanilang ipinamigay na item.

Mensahe ng COMELEC sa mga kumakandidato, mag-comply sa election upang maiwasan ang disqualification case. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments