DUGO | Blood Demand sa Pangasinan, Tumaas!

Pangasinan – Patay sa isang police encounter ng Urdaneta City PNP ang tatlong hinihinalang miyembro ng isang notoryus na gang na kilala sa mga salang pagnanakaw, drug trafficking, at gun-for hire.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Michael Hucson, Lito Olais, at Jonald ‘Alping’ Olais pawang mga residente ng San Quintin, Pangasinan.
Ayon kay urdaneta City PNP Supt. Rollyfer Capoquian, ninakaw ng mga suspek ang tricycle ng isang biktimang kinilalang si Jesus MArtinez at sakto namang may Special Weapons and Tactics o SWAT team na nag pa patrol sa lugar. Agad namang rumesponde ang Swat team kasama ang biktima kung saan nagsimula ang putukan na kinamatay naman ng mga suspek. Narecover sa crime scene ang isang kalibre 45 na pistol, dalawang bala, at dalawang 9mm pistol at ang nanakaw na tricycle. Inutusan naman ni Ilocos Region Chief Supt. Romulo Sapitula na magsagawa ng ballistics test upang malaman ang iba pang koneksyon ng mga suspek sa iba pang krimen sa lalawigan.
*Photo-credited to Wikipedia*

Facebook Comments