“DUGO MO, DUGTONG NG BUHAY KO” BLOOD DONATION, ISINAGAWA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso ang pagsasagawa ng Mobile Blood Donation Ng Provincial Health Office na may temang: “Dugo Mo, Dugtong ng Buhay Ko.”
Layunin ng nasabing blood donation drive na makalikom ng dugo mula 50 hanggang 80 porsyento ng populasyon o 150-250 bilang ng mga empleyado na ilalagay sa Pangasinan Provincial Hospital Blood Bank at ang mababahaginan nito ay ang mga emergency cases katulad ng mga buntis, mga na-aksidente at mga empleyado na agarang mangangailangan nito.
Alinsunod dito, may nakatakdang schedule sa pangongolekta ng dugo sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Nakapagdonate ng dugo ngayon ang mga kawani sa ilalim ng mga sektor ng Pangasinan Housing and Urban Development Coordinating Office (PHUDCO), Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Public Employment and Services Office (PESO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Health Office (PHO). |ifmnews
Facebook Comments