Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng isang sulat ay inireklamo ni Senator Richard Gordon kay Health Secretary Francisco Duque ang ginagawang retesting o muling pagsusuri ng mga ospital sa dugo na nagmumula sa Philippine Red Cross para sa pasyente.
Tugon ito ni Gordon sa sumbong na kanyang natanggap na may isang ospital sa olongapo ang umano ay naniningil ng 6-libong piso sa pasyente para sa retesting ng bawat bag ng dugo mula sa Red Cross.
Ayon kay Gordon, ito ay paglabag sa administrative order number 2008-0008 ng Department of Health kung saan nakasaad na hindi na dapat isailalim sa retesting ang dugo mula sa red cross at mga blood centers.
Diin ni Gordon, base sa administrative order ay nasa Red Cross at mga blood centers ang responsibilidad na tiyaking malinis mula sa transfusion at transmitted infection ang binibinigay nilang dugo.
Ipinaliwanag ni Gordon na layunin nito na hindi na pahirapan pa ang pasyente o kanilang kaanak na gumastos para sa muling pagsusuri ng dugo.