Umakyat na sa 32 indibidwal kabilang na ang isang kawani ng DZXL 558 News at 93.9 IFM Manila ang boluntaryong nag-donate ng kanilang mga dugo sa nagpapatuloy na “Dugtong Buhay: Bloodletting Project 2024” ng Radio Mindanao Networks (RMN) Foundations Inc., at Philippine Red Cross (PRC) sa Malabon City Complex.
Ayon kay RMN Foundation Inc., Corporate Social Responsibility (CSR) Officer Patrick Aurelio, nagsimula ang blood donation kaninang alas otso ng umaga na magtatagal hanggang alas tres ng hapon.
Sabi naman ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, napakagandang aktibidad aniya ang nasabing aktibidad dahil layon nitong makatulong sa pamamagitan ng pagkolekta at pagbibigay ng dugo sa mga nanganailangan gaya ng mga nasa ospital na may sakit, at naaksidente.
Nagpapasamalat ang alkalde sa mga naging katuwang dahil ito ay mahalaga at simbulo ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagkalinga tungo sa patuloy na progreso at pag-ahon ng kanilang lungsod.
Target ng PRC na makakolekta ng 100 blood units na kayang tugunan ang pangangailangan ng dugo sa lungsod.