Dugtong Buhay Caravan 2023 ng PRC at RMN Foundation umarangkada na!

Nagsimula na ngayong araw ang Dugtong Buhay Caravan 2023 bilang selebrasyon ng 75th founding anniversary ng Philippine Red Cross (PRC) sa Lungsod ng Cavite kasama ang RMN Foundation at iba pang organisasyon.

Isinasagawa ito sa San Roque, Cavite at bukas mula 18 hanggang 60 years old habang kailangan naman ng parents consent sa 16 hanggang 17 anyos.

Ayon kay RMN DZXL 558 Vice President for Operations and Corporate Communications at siya ring Head ng RMN Foundation at RMN Networks Enrique Canoy, ang naturang programa ay para makatulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo.


 

Namahagi naman ng almusal, hot meals at loot bags sa mga lumahok ang RMN Foundation at PRC Cavite.

Narito naman ang requirements para sa mga magdo-donate ng dugo:
– 50 kg and above.
– Bawal ang alcohol sa loob ng 24 hours.
– Negative COVID-19 o bawal ang may ubo at sipon.
– Pag- may tattoo, dapat 1 year na.
– Kung nagpa- surgery – 1 year na ang nakalipas.
– Piercing -1 year na ang nakalipas.

Samantala, kung nanganak at normal delivery, pwede na mag-donate makalipas ang 9 na buwan, kung Ceasarian – makalipas ang 1 taon o isang buwan makaraang tumanggap ng antibiotic.

Facebook Comments