Dugtong Buhay Caravan 2023 ng RMN Foundation at Philippine Red Cross, hinihikayat ang lahat na mag-donate ng dugo ngayong World Blood Donor Day

Patuloy na hinihikayat ng RMN Foundation Inc., kasama ang Philippine Red Cross ang lahat na mag-donate ng dugo kasabay ng pagdiriwang ng World Blood Donor Day.

Matatandaan sa datos na inilabas, umabot na sa 80,000 patients ang naserbisyuhan o nabigyan ng dugo ng Philippine Red Cross simula Enero hanggang Mayo taong kasalukuyan.

Ayon kay Ms. Erika Canoy-Sanchez ang Executive Vice President at COO ng RMN MMV at trustee ng RMN Foundation, magpapatuloy ang programang Dugtong Buhay Caravan sa tulong ng Philippine Red Cross upang mas lumawak pa at dumami ang kanilang matulungan.


Una nang naglunsad ang Dugtong Buhay Caravan sa Cavite at Bulacan na susundan naman sa Bicol Region sa pakikipagtulungan kasama ang iFM 93.9 Manila, RMN DZXL 558 Manila, DWWW 774, Home Suite, Poten-Cee at Pascual Laboratories.

Samantala, matatapos ang bloodletting mamayang alas-3:00 ng hapon, kung kaya sa lahat ng mga gustong humabol ay magpunta lamang sa Boni Edsa Corner, Mandaluyong City upang makapag-donate ng dugo.

Facebook Comments