CAUAYAN CITY- Pinangunahan ni Mayor Venus Bautista ang isinagawang blood letting activity ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini sa Brgy. Lalauanan, Tumauini, Isabela.
Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Municipal Health Office kasama ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Blood Bank.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng dugo ang bawat mamamayan ng Tumauini upang maging sapat ang suplay ng dugo lalo na sa mga nangangailangan nito.
Samantala, ipinatutupad naman ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng Office of the Municipal Administrator.
Facebook Comments