DULOG AT DINIG CARAVAN, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG ILAGAN

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng Dulog at Dinig Caravan ang Pamahalaang Lungsod ng Ilagan, partikular sa barangay Morado, Minabang, Pasa, at Tangcul.

Handog ng caravan ang iba’t ibang serbisyo katulad ng medical at dental mission, libreng gamot at mayroon ding mga storybooks na ibinigay sa mga bata.

Bukod dito, nabigyan din ng alagang baka at feeds ang mga magsasaka at nagkaroon din ng libreng bigas ang mga residente.


Layunin ng aktibidad na maihatid ang serbisyo ng pamahalaan sa bawat barangay sa lungsod upang maiparamdam sa kanila na sila ay bahagi ng lipunan.

Facebook Comments