Dulog at Dinig Outreach Caravan sa City of Ilagan Isabela, Muling Isasagawa!

City of Ilagan, Isabela – Muling isasagawa bukas ang Dulog at Dinig Outreach Caravan sa tatlong barangay ng City of Ilagan Isabela.

Ayon kay ginoong Paul Bacungan, City Information Officer ng pamahalaang panlungsod ng Ilagan na gagawin ang caravan sa barangay ng Siffu, Mangcuram at Bigao.

Mabibiyayaan umano ng medical and dental sevices, libreng reading glasses o salamin sa mata at iba pang serbisyo ng pamahalaang local ng Ilagan ang lahat ng residente ng tatlong barangay.


Layunin umano ng Dulog at Dinig Program na dalhin at ilapit ang buong serbisyo ng city government sa mga barangay.

Samantala pangungunahan parin ni Mayor Evelyn “Mudz” Diaz at mga opisyal ng Ilagan ang naturang programa.

Facebook Comments