Albay, Philippines – Sinusolusyunan na ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig sa lugar.
Pangunahing daing kasi ng mga evacuees ang kakulangan sa malinis na inumin, pangsaing, panligo at pambuhos na rin sa mga palikuran.
Sa interview ng RMN kay Albay Governor Al Bichara, aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga local water untility stations para mag-suplay ng drinking water sa mga evacuation center.
Samantala, mahigpit na ring ipinatutupad ng Department of Trade And Industry (DTI) ang price freeze sa Albay.
Sa abiso, epektibo ang price freeze sa mga basic commodities sa loob ng 60 araw mula nang ideklara ang state of calamity.
Sakop nito ang mga de latang pagkain, processed milk, kape, sabon, instant noodles kandila, tinapay at bottled water.