DUMAGSA | District Director’s Gift Giving and Feeding Program ng QCPD, dinagsa ng mga katutubong Badjao at Aeta sa Camp Karingal

Manila, Philippines – Sa halip na mamalimos sa kalsada, sinugod na lamang ng mga katutubong Badjao at Aeta ang District Director’s Gift Giving and Feeding Program sa Camp Karingal.

Ayon kay Adronico Metran, chief ng Social Services Department QC government, ang nasa 115 na mga katutubong aeta ay muka sa mga bilang na sinagip sa lansangan ng QC.

Aabot naman sa 84 na mga katutubong badjao at iba pang mga pamilya na natutulog sa lansangan at namamalimos ang nabigyan ng pamaskong handog.


Pagkatapos ng gift giving, ililipat ang mga nasagip na mga pamilya ay sa Jose Fabelle Center sa Mandaluyong habang ang iba ay ihahatid mismo pabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.

Dumagsa ang mga katutubo sa lansangan ng metro manila para mamalimos ngayon nalalapit na ang kapaskuhan.

ang nasabing proyekto ay pinangunahan ni QCPD District Dir C/Supt Joselito Esquivel, habang sinamahan siya ng mga kandidata ng Ms. Philippine.

Facebook Comments