Manila, Philippines – Humaba na naman ang pila sa Metro Rail Transit line 3 kaninang peak hour.
Namonitor sa Northbound ng North Avenue station ang 180 na mga pasahero habang 390 naman sa Quezon Avenue station.
Sabi ni Ally Narvaez, Tagapagsalita ng MRT3 – Nagsisibalikan na kasi ang iba pang pasahero, mula sa long weekend dahil naman sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon.
Sa ngayon ay labing limang tren ang napapakinabangan at aabot lang sa anim na minuto ang paghihintay sa pagdating ng kasunod na tren.
Wala rin naitalang unloading o service interruption kaninang umaga.
Facebook Comments