DUMAGSA | Senado, muling kinalampag ng CFJ para ipaglaban ang karapatang magsagawa ng impeachment trial sa punong mahsitrado

Manila, Philippines – Dumagsa muli dito sa Senado ang mga miyembro ng Coalition For Justice o CFJ at isa isa nilang binigyan ng open letter ang mga Senador.

Hiling nila na magkaroon ng nagkakaisang pagkilos ang mga Senador para ipaglaban ang eksklusibong kapangyarihan na magsagawa ng impeachment trial kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Giit ng grupo, hindi makatarugnan at ilegal ang pagpabor ng Supreme Court sa quo warranto petition na nagpapatalsik kay CJ Sereno.


Ayon sa grupo, sinapawan ng desisyon ng kataas taasang hukuman ang ibinibigay ng konstitusyon na karapatan sa Senado para magpatalsik ng impeachable officer.

Facebook Comments