Dumaguete, ibinaba na sa high risk classification ng COVID-19 pero Lubang sa Occidental Mindoro, nananatili sa critical risk

Ibinaba na sa “high risk” classification ang Dumaguete dahil sa epekto ng COVID-19.

Pero nananatili pa rin sa critical risk ang Lubang sa Occidental Mindoro.

Ayon sa OCTA, nananatili pa rin sa kritikal na kondisyon ang Lubang, Occidental Mindoro dahil sa mataas na ADAR, testing positivity rate at reproduction number o bilis ng hawaan.


Batay sa huling tala, aabot sa 170 kada 100,000 ang average daily attack sa Lubang kung saan nasa 1.41 ang reproduction number.

Habang ang Dumaguete ay nakapagtala ng 15.31 average daily attack rate (ADAR) kada 100,000 individual at pagbaba ng reproduction number sa 0.91.

Maliban sa dalawang probinsya, nasa high risk na rin ang La Trinidad pero pababa na ang kaso tulad ng Zamboanga, Baguio, Davao, Antipolo, Bacolod, General Santos, Tuguegarao, Dumaguete, Puerto Princesa, at Tagum.

Nasa low risk naman ang Davao at Antipolo habang ang iba pang probinsya ay nasa moderate risk classification.

Facebook Comments