DUMALO | Dating P-Noy, dumalo sa misang idinaos ngayong ika-46 na taong paggunita sa deklarasyon ng Martial Law

Manila, Philippines – Kasama si Vice President Leni Robredo, Sen. Bam Aquino at Sen. Kiko Pangilinan, nagtungo si Dating Pangulong Noynoy Aquino sa misang idinaos sa De La Salle University ngayong hapon upang gunitain ang ika 46 na taon mula nang ideklara ang Martial Law noon Sept 21, 1972.

Bilang tugon sa naging pahayag kahapon ni Sen. Enrile, kung saan sinabi nito na wala namang pinatay o inabuso noong panahon ng Martial Law, sinagot ito ng dating pangulo at sinabi, na mayroon aniyang Human Rights Compensation Bill na ibinabayad sa mga biktima ng human right abuses noong Martial Law, ibig sabihin, documented ito, kaya’t hindi aniya maaaring sabihin na walang naabuso sa ilalim ng batas militar.

Aniya, naging bahagi si Sen. Enrile ng hindi maayos na pamumuno sa loob ng mahabang panahon kaya’t naniniwala si Aquino na hindi siya ang eksperto sa mga ganitong usapin.


“Mejo may edad na rin si Sen. Enrile, pero hindi naman pwedeng dahilan ‘yon para sa pagbabago ng gusto niyang katotohanan. Pwede nating unawain, pero pasensya na, pagtotoo, totoo lang. Pagpambobola, pambobola lang.”

Facebook Comments