Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga pasyente sa dalawang ospital sa Maynila na may hinihinalang kaso ng leptospirosis.
Ang San Lazaro Hospital ay nakapag-monitor ng 35 pasyente na nakitaan ng simtomas ng leptospirosis kung saan dalawa rito ang kumpirmado.
Siyam na pasyente naman ang ino-obserbahan ngayon sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC).
Kabilang sa simtomas ng pagkakaroon ng leptospirosis ay lagnat, pananakit ng katawan at pamumula ng mata.
Ang leptospirosis ay isang bacterial disease na nakukuha mula sa ihi ng mga hayop partikular sa daga.
Facebook Comments