Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na patuloy na napagtatanto ng mga dayuhang turista na talagang its more fun in the Philippines.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tumaas kasi ang bilang ng mga dayuhang turista na bumibisita sa Pilipinas base sa tala ng Department of Tourism mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Sinabi ni Roque na nakapagtala ng all time high ang DOT ng tourist arrivals kung saan umabot sa mahigit 3.7 milyon at mas mataas ito ng mahigit 10% sa naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Ibinida pa ni Roque na noong nakaraang buwan ay tumaas ang arrivals ng 11.35% kung saan umabot ito sa mahigit 528 libong turista kung ikukumpara sa nasa mahigit 470 libong turista sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ito naman ay sa kabila ng pagsasara ng Boracay island na isa sa pangunahing tourist destination sa Pilipinas.