DUMAMI | Mga OFW na may HIV-AIDS, tumaas ang bilang

Manila, Philippines – Nababahala si Kabayan Rep. Ron Salo sa pagtaas ng bilang ng mga OFWs na nagkakasakit ng HIV-AIDS.

Dahil dito, hinikayat ni Salo ang gobyerno na magkaroon na ng komprehensibong HIV program.

Ayon kay Salo, batay sa tala ng DOH, mula sa 92 cases ng HIV-AIDS victims sa mga OFW noong 2005 ay tumaas pa ito sa 814 HIV-AIDS cases noong 2017.


Mula 1984 hanggang 2017, sa kabuuang 50,725 HIV cases na naitala ng ahensya, 11% o 5,453 na mga nagkakasakit ng HIV ay mga OFWs kung saan nakuha nila ang sakit sa MSM o men having sex with men.

Kasabay nito ay hiniling ni Salo na isabatas ang kanyang panukala na “Philippine HIV and AIDS Policy Act” o ang House Bill 6617 na layong pagtibayin ang paglaban sa paglaganap ng HIV AIDS sa bansa.

Facebook Comments