Manila, Philippines – Humaba pa ang pila ng mga naghahabol ng mga enrollees sa inanunsyong deadline para magsumite ng application sa UPCAT ang mga Senior High student mula sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila.
Ayon kay UP-Police Special Service Brigade Elijah John Signas, alas onse pa ng gabi kagabi nang magsimulang magdatingan ang mga senior high students at sa pila na nagpalipas ng magdamag.
Sa ngayon ay walang abiso ang upcat division kung magbibigay pa ng extension hanggang matapos ang cut-off mamayang alas singko ng hapon para tumanggap ng nais mag-aral sa up-diliman.
Samantala, sa Agosto a-tres naman itinakda ang deadline para tanggapin ang application ng mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan sa ibat-ibang panig ng bansa.
Una nang na-postpone ang deadline para sa upcat matapos ang sunud-sunod na pag-uulan noong nakalipas na linggo.