DUMAMI PA | Mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Henry at habagat, nadagdagan pa

Manila, Philippines – Mas dumami pa ang mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Henry na sinabayan pa ng habagat.

Batay sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC hanggang kaninang umaga umabot na sa 2,401 o katumbas ng 7,949 indibidwal ang apektado

Ito ay namonitor sa region 3, MIMAROPA at National Capital Region.


Nadagdagan ito ng mahigit isang daang pamilya mula sa bilang kagabi.

Sa bilang na ito isang daan at animnaput limang pamilya ay nananatili ngayon sa 12 mga evacuation centers habang 2217 pamilya ay nakitira sa kanilang kamaganak o nanatili sa kanilang mga bahay.

Tiniyak naman ng DSWD na mabibigyan ayuda ang mga naapektuhag pamilya, sa ngayon ay mayroong mahigit limang milyong piso quick response fund ang DSWD bukod pa sa 31,773 ng mga goods na nakapreposition ngayon sa ibat ibat strategic areas sa Region 1 na aabot sa halagang mahigit labing isang milyong piso.

Nanatili naman sa blue alert status ang operation center ng NDRRMC upang matutukan ang mga lugar na naapektuhan ng bagyong Henry at habagat.

Facebook Comments