Manila, Philippines – Pumalo sa 5,474,310 international arrivals ang naitala ng Department of Tourism sa loob ng 10 buwan.
Mas mataas ito sa 4,908,017 o 11.54% na tourist arrivals na naitala ng ahensya sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon kay DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo, South Koreans parin ang country’s top visitor na mayruong 1,332,141 arrivals o 24.33 percent ng kabuuang tourist arrivals na sinundan naman ng China na mayruong 810,807 arrivals o 14.81 percent.
Pumangatlo ang Amerika 785,269 (14.34 percent) Japan 490,857 (8.97 percent) at Australia 206,443 (3.77 percent).
Pagdating naman sa revenue, dahil sa pagtaas ng tourist arrivals umabot sa P243.23 billion o 36.28 percent ang kita ng bansa mula sa P178B na earnings nuong isang taon sa kaparehong panahon.
Kasunod nito puspusan ang ginagawang kampanya ng DOT nang sa gayon ay makamit nila ang kanilang target na 6.5 million tourist arrivals hanggang 2022.