DUMARAMING BILANG NG RAT BITE SA DAGUPAN CITY NGAYONG PANAHON NG TAG ULAN, BINABANTAYAN NG CITY HEALTH OFFICE

Binabantayan na rin ngayon ng Health Authorities hindi lamang ng mga water borne diseases ngayon panahon ng tag ulan tulad ng dengue at leptospirosis kundi ng mga dumaraming bilang ng nakakagat naman ng mga daga.
Ayon sa City Health ng Dagupan City na umaabot sa dalawa hanggang tatlong kaso ng rat bite o ang nakakagat ng daga lalo ngayong tag ulan na mapanganib naman umano dahil delikado ito dahil sa maaaring humantong sa tetanus.
Ang mga nakakagat naman umano ng daga ay pinapayuhang magpaturok ng anti-tetanus at uminom ng antibiotics mula sa CHO.

Ayon kay Girlie Lopez, Nurse III ng Animal Bite Center ng CHO Dagupan na ang mga biktima ng rat bite ay kailangan na magtungo agad sa bite center at magpakonsulta upang mabigyan ng tamang gamot na nararapat.
Binabantayan din ng CHO ang mga tumataas na bilang ng nakakagat ng aso at kalmot ng pusa kaya naman pinag iingat nila ang publiko at kung maaari ay pabakunahan ng anti rabies ang mga alagang hayop. | ifmnews
Facebook Comments