Magsasagawa ng background investigation ang Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa napapabalitang dumaraming presensya ng mga Chinese nationals sa isang ekslusibong subdibisyon sa Parañaque City.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kanilang aalamin kung may katotohanan ang umano’y kahina-hinalang aktibidad ng mga Chinese sa nasabing lugar.
Ani Padilla, magiging katuwang din nila sa imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang ilang residente sa isang exclusive village sa Parañaque dahil sa kadudadudang presensiya ng mga Chinese sa kanilang lugar na tila kasapi ng Chinese militia.