Hindi ituturok sa mga senior citizens ang isang milyong doses ng Sinovac vaccines na dumating sa bansa.
Una nang inirekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) na ang Sinovac vaccine ay pwede lamang ipagamit sa healthy individuals na may edad 18 hanggang 59.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang malaking bulto ng bakuna ay ilalaan sa mga lugar na may mataas na bilang ng COVID-19 infections.
Partikular na ipapadala ang mga bakuna sa NCR+ bubble, Cebu at Davao para maproteksyunan ang mga healthcare workers at sa mga mayroong comorbidities.
Una nang inaprubahan ng pamahalaan ang sabay-sabay na pagpapabakuna sa frontline workers, senior citizens at persons with comorbidities.
Facebook Comments