DUMATING NA | Balangiga bells pormal nang naibalik sa Pilipinas

Matapos ang isangdaan at labing pitong taon naibalik na sa Pilipinas at pormal na tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tatlong kampana ng Balangiga Samar dito sa Villamor airbase grandstand Pasay City.

Pinangunahan mismo ito ni US Ambassador to the Philippines Sung Yong Kim ang pormal na pagbabalik ng mga kampana.

Alas- 10:30 ng umaga kanina nang lumapag ang C130 Cargo plane ng Estados Unidos dito sa Villamor Air Base kung saan sakay ang tatlong Balagiga Bells na pinagsasama sa Okinawa Japan.


Ang dalawang kampana ng Balangiga ay nagmula pa sa F.E Warren Airforce Base Cheyenne, Wyoming habang ang isa ay mula pa sa Camp Red Cloud sa South Korea.

Mag-aalas dose na bago nasimulan ang handover ceremony sa Balangiga bells dahil inalis pa ito sa kahong gawa sa kahoy.

Sa ngayon ay napapatuloy ang handover ceremony kung saan dinadaluhan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika.

Ang Balanggiga bells ay kinuha bilang “war trophy” ng mga Amerikano pagkatapos ng tinaguriang “Balanggiga Massacre” sa Samar noong September 1901.

Facebook Comments