DUMEPENSA | Andi Eigenmann, bumuwelta sa kaniyang mga basher

Binuweltahan ni Andi Eigenmann ang ilan sa naging komento ng mga netizen sa kanyang social media post.

Sa pinakahuling instagram post ng aktres, sinagot ni Andi ang ilan sa mga pumupuna ng kanyang simpleng ayos.

Isa na rito ang komento na nagsasabing, sayang ‘yung ganda niya kung saan sinagot niya ito ng nalulungkot siya dahil may mga tao na nagsasayang ng panahon sa iba kaysa sa mga mahahalaga bagay.


Mayroon ding sinabing mukhang maninisid ng tahong ang aktres na hindi rin niya pinalagpas kaya sagot ni Andi na kung gusto nitong sumakay ay galing-galingan mo.

Kung may negatibong komento, mayroon ding nagbigay ng payo kay Andi sa kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Napabalita kamakailan na si Philmar Alipayo, isang surfer, ang bagong nobyo ni Andi.

Facebook Comments