DUMEPENSA | Ariana Grande, nagalit sa mga paratang ng ilang netizens

Hollywood – Hindi ikinatuwa ng singer na si Ariana Grande ang lumabas na balita na siya ang naging dahilan kung bakit naaresto sa pagmamaneho ng lasing ang dati nitong nobyo na rapper na si Mac Miller.

Ayon kay Ariana, nagtiis siya noon sa pagiging lasenggo ni Miller kaya at hindi daw tama na siya pa rin ang sinisisi kahit hiwalay na sila.

Rekasyon ito ni Ariana sa ilang netizens na nagsasabing dapat daw niyang alagaan ang dating kasintahan.


Matatandaan na naaresto si Miller matapos na mabangga ang sasakyan nito sa isang poste habang nakainom ng alak sa Los Angeles.

Facebook Comments