DUMEPENSA | Bela Padilla, umalma sa pagkakasangkot sa love triangle ng CarGel

171

Manila, Philippines – Umalma ngayon ang aktres na si Bela Padilla sa mga alegasyong nagkaroon daw ng love triangle sa pagitan nila nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.
Ito ay matapos bigyang ng ibang kahulugan ng mga netizens ang instagram post ni Bela na “C couldn’t make it to the after-party” kung saan kasama nito ang picture ng aktres sa red carpet ng party ng kapamilya network noong Sabado, September 30.
Isa sa mga netizen ang nagsabi na tila pinatatamaan daw ni Bela si Carlo, na dati umanong naugnay sa aktres.
Hindi naman pinalampas ni Bela ang akusasyon ng netizen saka nito nilinaw na ang tinutukoy niya na letrang “C” ay ang wall decor na halos mahulog na sa pagkakakabit nito.
Matatandaan na si Carlo ang siyang leading man noon ni Padilla sa kanilang movie na pinamagatang ‘Meet Me in St. Gallen.’

Facebook Comments