DUMEPENSA | CHED, nagpaliwanag sa paratang ng ACT

Manila, Philippines – Dumepensa ang Commission on Higher Education (CHED) sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsingit ang ahensya ng mga patakaran sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Partikular na tinukoy ng ACT Philippines ang sapilitang pagpapatrabaho sa mga estudyante na makikinabang sa libreng edukasyon at ang paglimita lang sa labintatlo ng ibinabawal na miscellaneous fees.

Ayon kay CHED OIC Prospero De Vera III, mismong sa debate sa bicameral conference nabuo ang naturang patakaran.


Hiningan aniya ang ahensya ng listahan ng mga kinokolektang fees.

Hindi aniya sila maaring magdagdag o magbawas sa kung ano ang itinatakda ng batas.

Paliwanag pa ni De Vera na hindi lahat ng fees ay maaring gawing libre.

Halimbawa aniya ang mga fees sa nursing para sa kanilang On the Job Training (OJT) ay hindi maaring ilibre.

Facebook Comments