Manila, Philippines – Itinanggi ng Communist Party of the Philippines ang mga naging pahayag ni AFP Chief of Staff Carlito Galvez na pipilitin nila si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law bunsod ng Red October plot.
Ayon kay CPP Founder Joma Sison, bakit nila isusulong ang martial law gaying tutol nga sila sa pagpapatupad nito sa Mindanao.
Kalokohan rin aniya ang pagdamay ni Galvez sa sampung paaralan para sa Red October plot.
Giit pa ni Sison, hindi ang mga rebelde ang magpapabagsak sa Pangulo kundi ang iba’t-ibang pwersang ayaw na sa kaniyang pamumuno.
Facebook Comments