Manila, Philippines – Nagsalita na ang aktor na si Diego Loyzaga matapos itong umani ng batikos sa netizens dahil sa ipinost nitong picture sa pagpunta sa Boracay.
Ayon kay Diego, ang mga picture na kanyang ibinahagi sa Instagram kung saan kasama niya ang kanyang mga kaibigan ay pawang throwback photos lamang.
Sinabi pa ni Diego na , ipinost lamang niya ang mga larawan bilang ‘appreciation’ sa kanyang mga kaibigan at hindi totoo ang mga alegasyon na gumamit ito ng impluwensya lalo na at ama nito si Cesar Montano para makapasok sa isla.
Sinasabing umani ng kaliwa’t kanang batikos ang aktor dahil sa kasalukuyang nakasara ang isla para sa anim na buwang rehabilitasyon at tanging mga residente lamang ang pinapapasok dito.
Facebook Comments