Manila, Philippines – Inalmahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa 2018 Global Peace Index.
Giit ni Esperon, hindi siya naniniwala sa ulat dahil wala naman aniyang basehan ang gumawa ng 2018 Global Peace Index para bumaba ang ranggo ng Pilipinas pagdating sa usapin ng kapayapaan.
Aniya, magmula nang ilunsad ng pamahalaan ang kampanya nito kontra iligal na droga ay bumaba na ng 30 porsyento ng krimen na naitatala sa bansa.
Batay sa nasabing pag-aaral kung saan niraranggo ang 163 na mga independent states kaugnay sa lebel ng kapayapaan sa kanilang mga bansa ay mula sa 136 noong nakaraang taon, nasa 137 na raw ang Pilipinas.
Pumangalawa pa ang bansa sa North Korea mula sa pinaka-hindi mapayapang bansa sa Southeast Asia.