Manila, Philippines – Itinanggi ng Department of Justice (DOJ) ang alegasyon ni Magdalo Party-List Representative Gary Alejano na ginigipit ng gobyerno si Judge Andres Soriano ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 kaugnay ng kasong rebelyon ni Senator Antonio Trillanes IV.
Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi nakikipag-interact ang DOJ kay Soriano maliban na lamang sa mga pleadings na inihain at argumentong pinag-uusapan sa loob ng korte.
Ang alegasyon aniya na ito ni Alejano ay tila humahadlang sa “orderly administration of justice” at nakakadungis din sa integridad at professionalism ng DOJ at mga state prosecutors nito.
Tinukoy din ng kalihim na ang mga patutsada sa kanilang panig ay pawang “unfair” at ang kampo aniya ni Trillanes ay sinusubukang impluwensyahan ang decision-making ni Soriano.