DUMEPENSA | DOJ, itinangging pinag-iinitan ng gobyerno si Trillanes

Manila, Philippines – Itinanggi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinag-iinitan ng gobyerno si Senador Antonio Trillanes IV nang ipawalang bisa ang kaniyang amnestiya at ipa-aresto ng korte.

Ayon kay Guevarra, si Trillanes ang itinuturing na lider ng mga sundalong nagrebelde noon ng ilang beses laban sa gobyerno.

Aminado naman si Guevarra na hindi malayong matulad kay Trillanes ang iba pang mga dating rebeldeng sundalo na nakinabang sa amnestiya ng gobyerno.


Pero ito aniya ay kung mapapatunayan na hindi sumunod o kulang sa requirements na itinatakda para sa pagkakaloob ng amnestiya ang naturang mga rebeldeng sundalo.

Facebook Comments