Manila, Philippines – Inabsuwelto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa nag-viral na picture ng relief goods na umano’y may nakatatak na pangalan nito.
Paliwanag ng DSWD, nagkasabay lang noon ang kanilang relief goods sa tulong na bigay ni Go sa mga nasunugan sa Sampaloc, Maynila.
Anila, hindi inagkin na Go na sa kaniya lahat galing ang relief goods dahil may iba’t-ibang LGUs rin ang nagbigay ng tulong.
Nauna nang sinabi ni Go na hindi niya inangkin na sa kaniya galing ang lahat ng relief goods at hindi siya ume-epal.
Sabi pa ni Go, kakausapin niya ulit ang kaniyang mga supporter para tigilan na ang pagpapakita ng suporta sa paraang nami-misinterpret bilang pangangampanya.