Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Malacañang ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na pumunta sa United Kingdom (UK) ang economic team ng pangulo sa gitna ng problema sa inflation.
Kabilang sa mga ito sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno, Transportation Secretary Arthur Tugade, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at NEDA Secretary Ernesto Pernia.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – hindi na talaga mawawala ang mga tumutuligsa sa pamahalaan.
Ani Roque, nasa U.K. ang mga ito para manghikayat ang mga investors.
Kailangang mai-promote ang Pilipinas para magpunta rito ang mga mamumuhunan.