DUMEPENSA | FAMAS, ipinagtanggol ang pagbibigay kay Vice Ganda ng Dolphy Comedy King Award

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng pamunuan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ang pagpili nila kay Vice Ganda bilang isa sa recipient ng kauna-unahang Dolphy Comedy King Award.

Sa harap ito ng pag-kwestiyon ng isang kolumnista sa desisyon ng FAMAS kung saan sinabi nitong dapat ay kay Vic Sotto muna ito ibinigay.

Pero sabi ni FAMAS President Francia Conrado, si Vice Ganda mismo ang napili ng pamilya ng Comedy King para tumanggap ng award.


Nauna nang nagsalita sa isyu si Vice at sinabing hindi siya galit sa mga pumupuna kung bakit nauna pa siya gawaran ng Dolphy Comedy King Award kaysa kay Vic Sotto dahil hindi naman siya ang pumili.

Gaganapin ang 66th FAMAS award sa June 10.

Facebook Comments