DUMEPENSA | Film showing tungkol sa martial law at EKJ, hindi maituturing uri ng terorismo

Manila, Philippines – Hindi uri ng terorismo o komunismo ang pagpapalabas ng mga pelikula hinggil sa martial law at extra judicial killings sa mga unibersidad.

Ayon kay National Union of Student of the Philippines President Mark Vincent Lim, nais lang nilang imulat ang mga kabataan sa mga akto ng karahasan noong panahon ng martial law at kung paano ito nagpapatuloy sa administrasyong Duterte.

Aniya, naging banta sa seguridad ng mga estudyante ang pagdawit sa kanila ng mga sundalo sa Red October plot.


Giit pa ni Lim, gawa-gawa lang ng pamahalaan ang umano’y destabilisasyon para mapagtakpan ang pagbagsak ng administrasyon at higpitan ang kanilang pamumuno.

Gayunman, hindi aniya sila natatakot at lalo nilang ipaglaban ang kanilang adhikain.

Facebook Comments