Manila, Philippines – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Abdiel Fajardo matapos kwestyunin ang kanyang direktiba sa mga pulis na alisin sa mga kalsada ang mga tambay.
Ayon kay Duterte, hindi na kinakailangan ng batas para siya ay makapag-utos na hulihin ang mga tambay sa kalsada.
Aniya, may mandato siya sa ilalim ng ‘Parens Patria’, ang kapangyarihan ng estado na magsilbing magulang ng bawat indibidwal.
Hinamon ng Pangulo si Fajardo at iba pang kritiko na i-akyat ang reklamo sa Korte Suprema.
Una nang sinabi ni Fajardo na hind sapat ang verbal order ng Pangulo para ituloy nito ang habulin ang mga tambay.
Facebook Comments